5 Natural at Mabisang Pampaputi ng Kilikili

Gusto mo bang paputiin ang kilikili mo? Hirap ka bang mag-sleeveless o magsando dahil sa maitim na underarms? Huwag ka nang mag-alala, narito ang limang easy tips para pumuti ang ating kilikili:

1. PIPINO o CUCUMBER
Ang pipino ay may likas na bleaching properties na nakakatulong para sa mas flawless na kilikili. Magslice lang ng kapiraso at ikuskos nang marahan isa hanggang dalawang beses sa isang araw.
2. BAKING SODA
Ang baking soda ay hindi lang kilala bilang panlinis sa bahay ngunit marami rin itong gamit para sa pagpapaganda dahil sa taglay nitong exfoliating properties. Nakatutulong ito para mga matanggal ang mga dead cell na isa sa mga dahilan para mangitim ang ating kilikili. Nakatutulong rin ito para malinis ang mga underarm pores na maaring nabara dahil sa paggamit ng deodorant.  Ihalo lang baking soda sa tubig hanggang sa medyo maging malapot. Ipahid ito at dahang-dahang iscrub. Pagtapos ay banlawan at tuyuin gamit ng towel.
3. COCONUT OIL
Isang mabisang paraan para magpaputi ay ang pagmo-moisturize nito. Ang coconut oil o virgin coconut oil ay mayaman sa vitamin E na mahalaga para mapanatiling fresh ang mga balat natin. Nakatutulong din ito para maging makinis at malambot ang kilikili. Effective rin itong makatulong pampawala ng body odor. Para gamitin ito, imassage lang ang coconut oil sa kilikili at iwan nang sampung minuto. Banlawan nang maigi ‘pag tapos.
4. PATATAS o POTATO
Hindi lang masarap gawing french fries ang patatas mga idol! Alam niyo ba na ang patatas ay may natural bleaching properties din. Para gamitin ito maghiwa lang ng manipis na parte ng patatas at imasahe sa kilikili. Iwan ito sa loob ng lima hanggang pitong minuto at banlawan pagtapos. Maaari niyo itong gawin dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo.
5. LEMON
Sikat ang lemon bilang isa sa mga laging ginagamit sa mga beauty hacks kaya hindi nakapagtataka na magagamit din ito para sa pagpapaputi ng ating mga kilikili. Ang lemon ay may natural na cleansing properties at may bleaching properties. Ipahid lang ang lemon kasabay sa pagligo. Maari niyo itong gawin isa hanggang dalawang beses sa isang linggo.
Kung wala ka naman niyan ay pwede mo ring gamitin ang apple cider, aloe vera, turmeric o sunflower oil. ‘Yan ang mga tips para sa kilikiling maputi!

Article written by Albert Soliot


Facebook Comments