5 NPA sa Isabela, Na-rescue ng Militar at PNP

Cauayan City, Isabela- Nasagip ng mga kasundaluhan at kapulisan ang limang (5) regular na kasapi ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng San Mariano, Isabela.

Sa pinagsanib na pwersa ng 95th Infantry Battalion ng 5thID, Philippine Army, Police Regional Mobile Force Battalion 2 (PRMFB2) at Isabela Police Provincial Office (IPPO), na-rescue ang limang rebelde na miyembro ng Sub Guerilla Unit ng Central Front Committee, Komiteng Rehiyong-Cagayan Valley (SGU, CFC, KR-CV) na kinilalang sina Ka Renato, Ka Jaime, Ka Kanoy, Ka Butoc at Ka Didag.

Tatlo (3) sa mga ito ay kabilang sa Indigenous People na Agta tribe sa Lalawigan ng Isabela na na-recruit ng mga makakaliwang grupo sa Sierra Madre Mountain Range.


Nagdesisyon ang mga ito na magbalik-loob sa gobyerno dahil sa mga hirap na kanilang nararanasan sa loob ng nasabing kilusan.

Pinuri naman ni Brigadier Laurence E. Mina, Commander ng 5ID, ang tropa dahil sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan upang maliwanagan ang mga ito sa mga ginagawang panlilinlang ng mga NPA.

Samantala, tiniyak naman ni LTC Gladiuz Calilan, pinuno ng 95th IB, na mapapabilang ang limang sumuko sa Salaknib Former Rebels Integrated Farmers’ Association (SFRIFA) na nasa headquarters ng 5ID, PA sa Camp Melcher F Dela Cruz, Upi, Gamu Isabela.

Tgas: 98.5 ifm cauayan, cauayan city, ifm cauayan, isabela, luzon, LTC Gladiuz Calilan, 5thID, Philippine Army, Police Regional Mobile Force Battalion 2, LTC Gladiuz Calilan,

Facebook Comments