5 NPA sumuko sa 33rd IB

Limang myembro ng NPA ang sumuko sa military sa Midtungok village, Sen. Ninoy Aquino Sultan Kudarat.

Nagmumula sa Platoon Myphone of Guerilla Front 73 under Ka Macmac ang mga sumukong NPA ayon pa kay Lt Col Harold M Cabunoc, Commanding Officer ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion sa panayam ng RMN Cotabato.

Kinilala nito ang mga sumuko na sina Ome Digan, 48, Adot Digan,30, Misuari Digan, 18, Siale Digan,16, and Eson Digan,25.


Isinuko din ng mga ito ang kanilang mga baril na kinabibilangan ng Cal .30 M1 Garand, Cal 30 M2 Carbine, at 40mm M79 Grenade Launcher.

Binigyan namang pagkilala ng 6th ID ang effort ng 33rd IB at ng mga sumukong NPA.

Nakatakdang iharap ngayong araw sa Provincial Government ang mga sumuko.(DENNIS ARCON)
33rd IB Pic

Facebook Comments