Halos 400, patay sa crackdown sa Myanmar

World – Umakyat na sa 400 ang namatay sa nagpapatuloy na crackdown sa Myanmar laban sa Rohingya Muslim Minority sa Rakhine state.

Sa report, nasa 38,000 Rohingya na ang tumawid sa Bangladesh mula sa Myanmar isang linggo matapos sumalakay ang mga terorista sa Rakhine.

Umapela naman si UN Secretary General Antonio Guterres sa gobyerno ng Myanmar na maging mahinahon para maiwasan ang humanitarian catastrophe.


Facebook Comments