Cauayan City, Isabela- Tumanggap ng tulong mula sa Department of Social and Welfare Development (DSWD) Region 2 ang limang (5) pamilya na galing sa Metro Manila sa ilalim ng Balik probinsya- Bagong Pag-asa program”.
Personal na ipinamahagi ng mga opisyal ng DSWD Field Office ang tulong (Family and Sanitary Food Packs) sa mismong araw ng pagsalubong sa limang pamilya sa bayan ng Cordon, Isabela.
Ang Balik-Probinsya program ay alinsunod sa Executive Order No. 114, Series of 2020 ay isang hakbang ng pamahalaang panlalawigan para sa mga nais makabalik at mamuhay sa probinsya upang mabawasan ang populasyon sa mga Urban areas gaya ng Metro Manila na may mataas na naitalang kaso ng COVID-19.
Dagdag dito, inaasahan pa na mabibigyan ng tulong pangkabuhayan ang limang pamilya sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program ng rehiyon.