Valenzuela City government, sasagutin ang gastusin ng binatilyong may autism na napatay ng mga pulis

38

Handa ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela City na sagutin ang mga gastusin para sa 18 anyos na binatilyong nasawi sa isinagawang operasyon ng mga pulis kontra tupada sa lungsod.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, sasagutin ng Local Government Unit (LGU) ang gastos mula sa autopsy hanggang sa pagpapalibing kay Edwin Arnigo.


Nakipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela sa pamilya Arnigo para ipaabot na aakuin ng lungsod ang gastusin para sa kanilang anak.

Ipinarating naman ng pamilya Arnigo ang hinaing sa alkalde na tulungan silang makamit sa lalong madaling panahon ang hustisya.

Samantala, kaninang ala-1:00 ng hapon ay nakipagpulong si Gatchalian sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa hiwalay na imbestigasyon sa likod ng pagkamatay ng nasabing binatang may special needs.

Facebook Comments