5 patay sa magkakahiwalay na kaso ng pamamaril sa Maguindanao

Lima katao ang nasawi sa magkakahiwalay na kaso ng pamamaril sa ibat ibang bayan ng Maguindanao.

Kabilang na rito ang kaso ng mga teenager sa Brgy. Maitumaig Datu Unsay mag-aalas onse kahapon ng umaga , June 11. Sa report mula PNP, Kinilala ang mga naging biktima na sina Andi Pindig 19, years old at Dondon Simeno 18 years old kapwa residente ng Sitio Bagong 224.

Sinasabing sakay ang dalawa ng motorsiklo ng pagbabarilin di lamang kalayuan sa compound ng Brgy Hall. Naisugod sa ospital ang mga biktima ngunit binawian ng buhay si Andy. Sumisigaw naman ng hustisya ang kanilang mga kaanak.


Samantala sa isang kaso rin ng pamamaril ang naitala kahapon sa bahagi ng Purok Everlasting, Brgy Banaba Datu Abdullah Sangki.

Patay sa pamamaril ang 52 anyos na magsasaka na kinilala na si Hernani Pama habang wounded ang cafgu member na si Jay Paala, 24 anyos. Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP.

Nagluluksa naman ngayon ang mga myembro ng pamilya ng dalawang bata matapos paulanan ng bala ang kanilang tahanan sa bahagi ng Brgy Talibadok Datu Hoffer.
Sa panayam ng DXMY sa Case investigator ng Datu Hoffer MPS, kinilala ang mga nasawi na sina pelot 4 anyos at kapatid nitong si Raisa 9 years old, patay din ang tiyuhin nila na si Ansare Usop 31 anyos. Sugatan sa pangyayari ang ina ng mga bata na si Baby Ana Kalim, 27 anyos.

Sinasabing naitala ang pamamaril sa kasagasagan ng mahimbing na tulog ng pamilya. Target ng mga di nakilalang responsible ang bahay ng mag-iina, habang nadamay lamang si Ansare na nooy umiihi ng tamaan ng bala.

39 empty shells ang narecover sa crime scene.
Photo: forwarded to DXMY Page: in Pic, Mga binatilyo na nabaril sa Datu Unsay Area
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments