Manila, Philippines – Limang mga bilanggo mula sa Lanton Correctional Center sa General Santos ang nagpositibo sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) matapos na sumailalim sa screening ng Department of Health (DOH).
Ayon sa BJMP, mahigpit na nila ngayong mino-monitor ang limang pasyente at inaalam kung saan at paano nila ito nakuha gayung mahigpit nilang ipinagbabawal ang pagtatalik sa loob ng kulungan.
Napag-alamang sa 200 bilanggo na sumailalim sa screening, apat dito ang nagpositibo sa HIV habang ang isa pa ay nagpositibo naman sa ikalawang batch na kinabibilangan ng 380 na mga bilanggo.
Ang HIV screening ay bahagi pa rin ng kampanya ng BJMP at DOH para mapangalagaan ang kalusugan ng 2,115 na mga bilanggo sa correctional center sa Sitio Lanton, Barangay Apopong, General Santos City.
Nation