Pulis na naaktuhang nagpo-pot session sa Las Piñas City, nakalaya na

Manila, Philippines – Nakalaya na ang opisyal ng Philippine National Police na na-aktuhang gumagamit ng iligal na droga sa Las Piñas City noong isang buwan.

Pinakawalan si Supt. Lito Cabamongan ng PNP Crime Laboratory sa utos na rin ng Las Piñas City Regional Trial Court.

Matatandaang nahulihan din ng mga drug paraphernalia si Cabamongan.


Nabatid na napababa rin ang kinakaharap na kaso ni Cabamongan at pinayagang makapagpiyansa.

Noong March 30 nang mahuli ang pulis kung saan nagpositibo ito sa isinagawang drug test.

Si Cabamongan ang pinuno ng PNP Laboratory sa Alabang ay naka-assign ngayon sa holding center ng nasabing crime laboratory sa loob ng Camp Crame.

Bukod sa kasong kriminal, nahaharap din ang pulis sa kasong administratibo sa PNP Internal Affairs Service (IAS).
Nation

Facebook Comments