5 puganteng Chinese na patakas sa Sabah, iniharap ng BI

Ipinresinta na ng Bureau of Immigration (BI) ngayong Martes ang limang pugentang Chinese national na sinubukang tumakas sa pamamagitan ng backdoor.

Kinilala ang limang dayuhan na sina Ying Guanzhen, Yang Jinlong, Liu Xin, Shen Kan at Luo Honglin na naaresto noong March 22 sa Zamboanga ng pinagsamang pwersa ng BI Inteligence Division and Fugitive Search Unit.

Ibinunyag pa ng Immigration na nauugnay din ang limang dayuhan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) company na Lucky South 99 na sinalakay noon dahil sa iligal na mga aktibidad.


Naaresto sila matapos masira ang sinasakyang bangka sa bahagi ng Brgy. Sikullis sa Languyan, Tawi-Tawi habang papatakas patungong Sabah, Malaysia.

Dinala ang mga dayuhan sa Languyan Police Station kung saan dito napag-alaman na blacklisted pala ang mga indibidwal at umiiwas na maaresto at ma-deport kaya dumaan sa backdoor.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Immigration sa Camp Bagong Diwa ang limang Chinese national.

Facebook Comments