Bagong barkong pandigma ng Philippine Navy, dumating na sa bansa

Dumaong na sa Naval Operating Base Subic ang pinakabagong barkong pandigma ng Philippine Navy na BRP Miguel Malvar (FFG06).

Galing sa South Korea ang nasabing warship kung saan taglay nito ang advanced weapons and sensors kung saan pinalakas ang kakayahan ng PN sa anti-ship, anti-submarine, at anti-aircraft operations.

May haba itong 118.4 metro, kayang tumakbo ng hanggang 25 knots, at may saklaw na 4,500 nautical miles.

Ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr., hindi lang tagapagtanggol ng karagatan ang bagong barko, kundi bahagi na rin ito ng mas pinalakas na ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa.

Binanggit din nito ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na training ng mga sundalo, maayos na sistema, at modernong teknolohiya para sa matibay na depensa.

Kasunod ntio, nagpasalamat si Teodoro sa South Korea dahil sa kanilang suporta sa Armed Forces of the Philippine (AFP) modernization program.

Facebook Comments