5 rebel returnee nakatanggap ng tulong mula sa LGU, Sarangani

General Santos City, Philippines – Kabuuang P325,000.00 ang natanggap ng 5 dating kasapi ng New People’s Army (NPA) na nauna nang sumuko sa 73rd Infantry Battalion (73IB) bilang financial at livelihood assistance mula sa Comprehensive Local Integration Program (CLIP) ng Sarangani Province kasabay ng joint provincial peace and order council meeting at provincial anti-drug abuse council meeting na isinagawa sa gensan kamakalawa.

Isang simpleng awarding ceremony ang isinagawa nga pinangungunahan ni Sarangani Governor at CLIP committee chairman Steve Chiongbian Solon, Dilg Provincial Director Flor Limpin, Col Tyne Bañas, commander ng 1002nd brigade at Lt. Col. Marion Angcao, commander ng 73IB kung saan personal nilang inabot ang ₱65,000.00 na halaga ng tseke bawat isa sa limang former rebels na kinabibilangan ng ₱15,000.00 na immediate assistance at ₱50,000.00 na livelihood assistance.

Malaki rin ang pasasalamat ng nasabing mga rebel returnee dahil sa kabila ng kanilang pagsapi sa NPA sila’y tinulungan pa rin ng gobyerno matapos silang sumuko.


Facebook Comments