5 taong validity sa driver’s license, pasado na sa ikalawang pagbasa

Manila, Philippines – Aprubado na sa ikalawang pagbasa sa Mababang Kapulungan ang panukalang naglalayong palawigin sa limang taon ang validity ng driver’s license.

Sa House Bill 5648 ay nakalusot sa plenaryo ang panukala matapos na sponsoran ni House Committee on Transportation Cesar Sarmiento.

Sa ilalim ng panukala ay malaki ang maitutulong into para nabawasan ang mahabang pila at volume ng transaksyon sa pamahalaan.


Layon din nito na maalis ang red tape sa pagkuha ng lisensya.

Maiibsan din nito ang kasalukuyang sakit ng ulo ng LTO at mga motorista dahil sa kakulangan ng plastic cards para sa lisensiya.

Bago matapos ang 1st regular session ay aaprubahan sa huling pagbasa ang naturang panukala.
DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments