5 Wanted Person sa Rehiyon Dos, Nadakip sa Magkahiwalay na Probinsya!

*Cauayan City, Isabela- *Hawak na ng mga alagad ng batas ang limang wanted person sa Rehiyon dos matapos silang maaresto sa magkahiwalay na operasyon ng mga otoridad sa Lalawigan ng Isabela at Nueva Vizcaya*.*

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nadakip sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Robbery si Julian Balancio, 48 anyos, may-asawa, magsasaka, residente ng Brgy. Ballacayu, San Pablo, Isabela, Runel Sansano, 21 anyos, walang asawa, laborer, residente Brgy. Bonfal East, Bayombong, Nueva Vizcaya dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Serious Physical Injuries.

Timbog rin ang isang gwardiya na si Sonny Boy De leon Jr., 24 anyos, residente ng Brgy. Bagahabag, Solano, Nueva Vizcaya dahil sa kasong Theft o pagnanakaw.


Dagdag dito, nahuli rin sa kasong dalawang beses na panggagahasa sina Nobres Bangadon at Eddie Dino, parehong 20 taong gulang, mga magsasaka at nakatira sa Brgy. Cabayo, Kayapa, Nueva Vizcaya.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang mga naarestong akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa kanilang court of origin.

Facebook Comments