Itinuturing na maganda ang pasok ng taong 2019 para sa dating Overseas Filipino Worker (OFW) na si tatay Rene Caballero, 50-anyos ng Valenzuela City.
Ito ay matapos siyang mabigyan ng oportunidad ng programang Radyo Trabaho ng DZXL RMN Manila para muling magkaron ng trabaho.
Sa interview ng RMN Manila kay tatay Rene, kinuwento nito na dati siyang construction worker sa ibang bansa ngunit hindi na pinalad na makaalis muli dahil sa edad.
Aniya, nagtayo na lang siya ng karinderya, katulong ang kanyang live-in partner, para maitaguyod ang tatlong anak. Ngunit sa kasawiang palad, hindi rin nag-click.
Ayon kay tatay Rene, higit dalawang (2) linggo siyang naghanap ng trabaho pero wala siyang nakita hanggang sa marinig niya ang Job Openings sa Radyo Trabaho kung saan agad siyang direktang natanggap bilang isang ‘tinsmith’, ng isang kompanya.
Lubos naman ang pasasalamat ni tatay Rene sa programang Radyo Trabaho ng DZXL dahil malaki ang naitutulong ng programa sa mga tulad niyang may edad na.
Si tatay Rene Caballero ay 50-anyos, taga-Valenzuela City, pangatlong jobseeker na natulungan ng DZXL Radyo Trabaho ngayong 2019. (DZXL Radyo Trabaho Team)
Sa mga nais magkaroon ng trabaho, tumutok lang sa DZXL Radyo Trabaho o magpunta sa aming himpilan sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City.
Maaari nyo ring i-send ang kopya ng inyong resume o curriculum vitae sa radyotrabaho@gmail.com at tumawag sa aming radyo trabaho hotline: 882 2370
o mag text sa radyo trabaho textline: 0967 372 9014
Sa Radyo Trabaho, walang personalan… trabaho lang!
#XL558RADYOTRABAHO #XL558JOBOPENINGS#XL558USAPANGTRABAHO #RADYOTRABAHO
#XL558MEETTHEBOSS