50 hanggang 51 degree Celsius peak heat index, posible maranasan sa Abril —PAGASA

Maaaring pumalo sa 50 degrees Celsius hanggang 51 degrees Celsius ang peak heat index na mararanasan sa buwan ng Abril.

Ito’y dahil sa epekto ng maalinsangang panahon na dulot ng panahon ng tag-init.

Sa QC journalists forum, sinabi ni Ms. Ana Liza Solis, head ng monitoring and weather Prediction ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, inaasahang sa susunod na linggo ay maideklara na nila ang pagpasok ng hot season dahil sa ngayon ay papalabas na ang hanging Amihan habang papasok na ang easterlies o ang mainit na hangin mula sa karagatan.

Ani Solis, dahil ang sobrang init ay kasabay ng panahon ng kampanya kaugnay ng May 12 election, dapat mag-ingat ang lahat, partikular ang mga kandidato.

Nanawagan si Solis sa publiko na huwag lalabas ng tahanan mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon sa panahon na mainit ang panahon lalo na sa buwan ng Abril at Mayo.

Facebook Comments