Kabuuang sitwasyon ng bansa mula pagkakaaresto kay FPRRD hanggang makalipad pa-Netherlands, naging mapayapa

Generally peaceful ang sitwasyon ng bansa pagkalipad patungong The Hague, Netherlands ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) matapos maaresto si Duterte kahapon dahil sa kanyang kinahaharap na kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).

Si Duterte ay lulan ng chartered jet at tumulak pa-Netherlands dakong alas-11:03 kagabi kasama si dating Executive Secretary, Atty. Salvador Medialdea.


Kasunod nito, tiniyak ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil na tuloy-tuloy sa pagmo-monitor at pagbabantay ang Pambansang Pulisya sa posibleng mga kaganapan o kilos-protesta matapos maaresto ang dating pangulo.

Ani Marbil, nananatiling under control ang sitwasyon ngayon sa buong bansa.

Maaalalang kahapon, itinaas sa heightened alert ang status sa buong bansa bilang bahagi ng standard security measures kung saan naka-deploy ang mga pulis sa key areas at may nakahandang PNP units na handang rumesponde kung kinakailangan.

Facebook Comments