Cebu City – Aabot sa 50 kilo ng karne ng stingray ang nasabat sa Pasil Fishport sa Cebu City.
Ayon kay Alice Utlang, Head ng Department of Veterinary Medicine and Fisheries (DVMF) Cebu City, nagsasagawa sila ng market monitoring nang mahulog ang ice bucket na karga ng isang bisekletang de padyak.
Aniya, nakatakas ang nagmaneho ng bisekletang nang madiskubre nilang naglalaban ang ice bucket ng karne ng Stingray na galing pa sa Bantayan Island, Northern Cebu.
Giit ni Utlang, bawal ang pagtitinda ng mga karne ng mga endangered species.
Ang mga mahuling nagtitinda ng karne ng mga endangered species ay magmumulta ng P1,000 at pagbabawalan ng magtinda sa mga pamilihan ng lungsod.
Facebook Comments