Cauayan City, Isabela- Limampung katao ang bagong tinamaan ng COVID-19 na naitala sa probinsya ng Isabela.
Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2, mula sa 50 new covid-19 cases sa probinsya, labing dalawa (12) ang naitala sa City of Ilagan; labing isa (11) sa Lungsod ng Cauayan; anim (6) sa bayan ng Naguilian; lima (5) sa Cabagan; apat (4) sa San Mariano at Santiago City; tig-dalawa (2) sa Gamu at Tumauini; at tig-isa (1) sa bayan ng Angadanan, Cordon, Jones, at San Manuel.
Mayroon namang sampu (10) na gumaling sa COVID-19 at ito’y nagdadala sa kabuuang bilang na 3,783 nakarekober.
Nasa 578 naman ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela mula sa total cases na 4,435.
Mula sa bilang ng aktibong kaso, 474 rito ay Local Transmission; 49 na Health workers; 39 pulis; labing tatlo (13) Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs) at tatlo (3) na Returning Overseas Filipino (ROFs).