
Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakakilanlan ng 50 sa 71 na bangkay mula sa nasunog na M/V June Aster.
Ayon sa PNP Forensic Group nakilala ang mga bangkay sa pamamagitan ng DNA testing.
Sinabi ni Philippine National Police Forensic Group (PNP-FG) Police Col. Pierre Paul F. Carpio na 21 na lamang na bangkay ang isasalang sa cross matching.
Ani Carpio, pagkatapos ng disaster victim identification ng PNP ay ipapasa ang resulta sa lokal na pamahalaan na siyang nakikipag-ugnayan sa pamilya ng mga ito.
Kung maalala, narekober ang naturang mga bangkay sa nasunog na barko noong September 9 habang nasa karagatan ng Coron, Palawan.
Facebook Comments
