
Nanawagan ngayon ang ilang grupo kay Vice President Sara Duterte na bumaba na lamang sa puwesto kaysa matanggal sa pamaamgitan ng impeachment trial.
Kasabay na rin ito ng ika-33 araw ng impeachment trial laban sa pangalawang pangulo.
Ayon kay Hukbo ng Malayang Bayan President Actevo Bayani, sandamakmak na ang mga ebidensiya laban sa pangulo kayat huwag na itong magmaang-maangan pa.
Mas maigi aniyang harapin na lamang nito ang katotohanan na totoo ang mga ebidensiyang ibinabato laban sa kanya na lumalabas na sa Senate impeachment Court.
Aniya, gagawin nila ang lahat para mapatalsik ang pangalawang pangulo na dahilan ng pagkakawatak-watak ng sambayanan.
Ang grupo na kinabibilangan ng mahigit 1,000 raliyista ay sumugod sa Diokno Boulevard malapit sa Senado kaninang umaga at magtatagal ito hanggang alas-2:00 ng hapon.
