
Wawasakin ng Department of Agriculture – National Meat Inspection Service (DA-NMIS) mamayang alas-3 ng hapon, Oct. 5 ang halos 11.5 metric tons ng undocumented imported chinese meat products sa Bulacan.
Kabilang dito ang peking duck, kalapati, tupa, maging ang yellow at black chicken products na nagkakahalaga ng P5.19 million.
Nakumpiska ang nasabing mga karne sa operasyon ng DA-NMIS at National Bureau of Investigation (NBI) mula sa LCCI Food Condiments Trading at Sitphin Sari-Sari Store sa Pasay City noong September 22 at September 23.
Matatandaang kinukunsiderang hindi ligtas para sa human consumption ang mga karne na hindi dumadaan sa required inspection.
Paalala ng NMIS sa publiko, bumili lang ng mga karne sa lehitimo, awtorisado, at sa nainspeksyong mga pinagkukunan ng karne.
