Walang patid ang paglilinis na isinasagawa ng mga kawani ng Department of Engineering and Public Works (DEPW) sa iba’t ibang lugar sa Maynila.
Sa pangunguna ng Highway Division III ng DEPW, ay umabot sa 50 sako ng basura ang nahakot sa lugar ng Sta. Cruz, Maynila.
Kinabibilangan ito ng halo-halong sirang concrete, bato at buhangin at iba pang uri ng basura.
Maliban dito, napuno naman ang isang truck dulot ng mga basurang nakuha sa paglilinis sa loob ng Manila North Cemetery, partikular sa kahabaan ng Main Avenue at Street 24.
Ang patuloy na paglilinis ay parte ng adhikain ng pamahalaang lungsod na maibalik sa dating ganda ang Maynila.
Facebook Comments