Aabot sa limang libong pulis ang ipapakalat ng Philippine National Police sa nalalapit na State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay National Capital Region Police Office Chief Major General Guillermo Eleazar, ito’y upang masiguro na nasa maayos at payapa ang paligid ng batasang pambansa sa kaliwa’t kanang rally.
Sinabi pa ni Eleazar na ipapatupad nila ang maximum tolerance sa mga raliyista upang maiwasan ang anumang kaguluhan.
Hindi din sila maglalagay ng mga harang tulad ng mga barriers at barbed wires para pigilan ang mga raliyista kung saan kanila na itong ginagawa sa nakalipas na tatlong SONA ng Pangulong Duterte.
Wala din daw silang namo-monitor na banta sa seguridad pero patuloy pa din silang naka-alerto at iginiit ni Eleazar na pinag-iisipan na din nila kung saan ipu-pwesto ang mga iba’t-ibang grupo na magsasagawa ng programa.