500,000 antigen kits, bibilhin ng Office of Civil Defense para sa mass testing sa NCR

Bibili ang Office of Civil Defense (OCD) ng 500,000 rapid antigen test kits para mapalakas ang testing capacity ng gobyerno.

Sa statement ni Deputy Chief Implementer and testing Czar Secretary Vivencio Dizon ang mga test kits ay ipamimigay sa iba’t ibang ospital at testing centers sa National Capital Region (NCR).

Target aniya nilang makapagsagawa ng 30,000 test kada araw sa NCR Plus bubble sa susunod na dalawang linggo.


Sinabi pa ng opisyal tututok ang Inter-Agency Task Force (IAFT) sa testing sa NCR Plus bubble kung saan mataas ang kaso ng COVID-19.

Gagamitin aniya ang mga test kits sa mga pasyente health care workers, at sa mga mga barangay na mataas ang bilang ng populasyon.

Sa kabila naman ng pagkalat ng mga iligal na pagbebenta ng test kits, sinabi ni Dizon na tatlong brand lang ang inaprubahan ng gobyerno na validated ng World Health Organization (WHO) Emergency Use Listing (EUL) at Philippine Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ang mga ito ay Panbio Rapid Ag Test, SD Biosensor Standard Q, at Lansion Biotech Dry Flourenscence.

Facebook Comments