Cauayan City, Isabela-Iginiit ng pwersa ng kasundaluhan partikular ang 502nd Infantry Brigade, Philippine Army na ipagpapatuloy nila ang pagsasagawa ng Internal Security Operations upang pigilan ang natitira pang miyembro ng threat groups sa lalawigan ng Isabela kasabay ng gagawing kolaborasyon sa PTF-ELCAC sa pamamagitan ng mga aktibidad bilang suporta sa EO70 o whole-of-nation-approach sa pagtulong na rin sa former rebels na muling pagsasama sa pangunahing lipunan.
Ito ay makaraang ipresenta ni 502nd Infantry Brigade Commander BGen. Danilo Benavides ang insurgency situation sa probinsya kasabay ng joint meeting ng Provincial Development Council.
Samantala, ibinida naman ni DILG Provincial Director Engr. Corazon Toribio ang E-CLIP Committee Accomplishments and Updates partikular ang ADAC Performance Audits for 2019 – 2020 lalo na ang mga nagawa sa unang semester ng PTF-ELCAC.
Bahagi rin ng kanyang presentasyon ang 5 units Halfway Houses for Former Rebels na matatagpuan sa Capitol compound na natapos na noon pang March 2021 at naghihintay nalang sa pagkumpleto ng Manual of Operation.
Bukod dito, iniharap din niya ang Resolusyon na lumilikha ng Provincial Peace Negotiation Panel sa ilalim ng PTF-ELCAC.