51 anibersaryo ng CPP hindi dapat ipinagdiriwang sa halip ipinagluluksa ayon sa AFP

Walang dahilan para ipagdiwang ang ika 51 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines o CPP sa halip ay dapat ipinagluluksa ito.

 

Ito ang matapang na pahayag ni AFP Spoksperson Brig Gen Edgard Arevalo kaugnay sa pagdiriwang ngayong araw ng CPP.

 

Ayon kay Arevalo, dekada nang pahirap ang komunistang grupo sa mga Pilipino dahil sa ginagawang pangingikil at pangugulo ng kanilang armed wing na New Peoples Army.


 

Matagal na aniyang inayawan ng mga Pilipino ang New Peoples Army at sinusuportahan na ngayon ng mga Pilipino ang National Task Force Ending Local Communist Armed Conflict o NTF ELCA.

 

Kaya ayon kay Arevalo hindi na mahalaga ang posisyon o mga pahayag ni Joma Sison sa samahan bilang founder ng Communist party of the Philippines.

Facebook Comments