53-ANYOS NA LALAKI NATAGPUANG WALANG BUHAY SA LOOB NG BAHAY SA CALASIAO

Isang 53-anyos na construction worker ang natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanyang bahay sa Sitio Boquig, Brgy. Lumbang, Calasiao, Pangasinan noong Nobyembre 16, 2025.

Ayon sa Calasiao Police Station, dakong 1:00 PM nang puntahan ng 43-anyos na kamag-anak ang bahay ng biktima upang pakainin ang alagang baka. Doon niya nadiskubre ang biktima na wala nang malay sa loob ng silid.

Agad niyang ipinagbigay-alam ito sa pamilya, na tumulong upang maibaba at maayos na mailagay ang katawan sa kama.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Calasiao PS at nagsagawa ng imbestigasyon. Sinuri rin ng attending medical officer ang katawan ng biktima at idineklarang patay.

Ayon sa doktor, walang nakitang indikasyon ng foul play o anumang panlabas na sugat maliban sa marka sa leeg.

Ang mga labi ng biktima ay dinala na sa isang lokal na punerarya at isasailalim sa post-mortem examination ng Calasiao Municipal Health Officer upang tuluyang matukoy ang lahat ng detalye kaugnay ng insidente.

Kung ikaw o may kakilala kang nangangailangan ng kausap, makipag-ugnayan sa crisis hotlines tulad ng DOH–NCMH Hotline: 1553 o 0966-351-4518. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments