MANILA – Nasa 54.3 milyong botante ang inaasahang dadagsa ngayong araw sa mga polling precinct para bumoto.Kasabay nito, tiniyak ni Comelec Chairman Andres Bautista na handa sila sa ‘big day’ ngayon.Sa tala ng Comelec, maghahalal ng Presidente, Bise Presidente, 12 Senador, 59 Partylist, 238 na Kongresista, 81 Governors at Vice Governors, 776 miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at 1,634 Alkalde at Bise Alkalde.Payo ni Bautista sa mga botante na agad makipag-ugnayan sa mga Board of Election Inspectors (BEI) kung magkakaroon ng anumang problema sa pagboto at sa loob ng polling precint.Aniya, posible na ring malaman ang resulta ng halalan matapos ang botahan dakong alas-5:00 ng hapon bukas.Kahapon ay tinapos na ng Comelec ang Final Testing and Sealing (FTS) ng 92,509 units ng Vote Counting Machines (VCMs).
54.3 Milyong Botante, Inaasahang Dadagsa Para Bumoto Ngayong Araw – Comelec, Handa Sa ‘Big Day’ Ngayon
Facebook Comments