54 anyos na ginang mula Maguindanao binawian ng buhay dahil sa Covid-19

Kinumperma ng IPHO Maguindanao ang unang kaso ng pagkakamatay ng isang individual dahil sa Covid-19 sa probinsya.
Sa impormasyon mula IPHO Maguindanao, isang 54 anyos na ginang na residente ng Rebuken, Sultan Kudarat.
Sinasabing bago paman nadiskubre na itoy positibo sa Corona Virus naiadmit na ito sa isang Pribadong Hospital dahil sa Kidney Disease at Pulmonary Tuberculosis noong August 17.
Matapos ang apat na araw at matest at lumabas na positibo, agad itong inilipat sa ICU sa Cotabato Regional and Medical Center.
Sinasabing tuluyan itong binawian ng buhay dahil na rin sa Severe Pneumonia.
May Travel History ang ginang sa Davao City noong August 4 matapos magpakonsulta rin dahil sa kanyang iniindang karamdaman.
Patuloy naman na nagpapaalala sa publiko si Dra. Elizabeth Samama, Health Officer ng Maguindanao na patuloy na iimplementa ang Minimum Health Protocols kabilang na ang pagsusuot ng facemask, paghuhugas ng kamay at pagsunod sa Physical Distancing.
Sa ngayon, may 94 na kaso ng Covid-19 sa Maguindanao habang 47 rito ay nakarecober na.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments