55 Barangay sa City of Ilagan, Apektado dahil sa Pagkalat ng COVID-19

Cauayan City, Isabela- Umakyat na sa kabuuang 55 barangay ang apektado ng pagkalat ng COVID-19 sa City of Ilagan o katumbas ng 60% sa kabuuang bilang na 91 barangays.

Batay sa ipinadalang sulat sa tanggapan ni Isabela Governor Rodito Albano III, nakasaad dito ang nasa 335 ang tinamaan ng virus sa siyudad habang 204 ang nananatiling aktibo batay sa pinakahuling datos na inilabas ng lokal na pamahalaan.

Sa nakalipas na tatlong (3) araw, nakapagtala ng 76 ang lungsod na ikinaalarma ng lahat at kailangang makapag-isip ng mas istriktong pagpapatupad para maiwasan ang pagtaas ng mga nagpopositibo sa sakit.


Mula sa higit kumulang 500 close at direct contacts, posibleng makapagtala ng hindi bababa sa 80 kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Una nang hiniling ang pagsasailalim sa buong lungsod sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa loob ng dalawang (2) linggo simula ngayong gabi hanggang katapusan ng buwan ng Oktubre.

Patuloy naman ang panawagan ng alkalde sa kanyang nasasakupan na patuloy na sundin ang mga ibinababang polisiya para sa kaligtasan ng lahat.

Facebook Comments