Aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela, Umakyat na sa 387

81

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa kabuuang 387 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan ng Isabela.

Ito ay batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Integrated Provincial Health Office ngayong araw.


Ayon kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, may naidagdag sa bilang na 49 at pawang malaki ang naitala sa lungsod ng Ilagan na umabot sa 38 at mayroon na ngayong 215 ang active cases nito.

Ilan naman sa iba pang bayan na may dagdag na kaso ng virus sa Isabela ay ang Gamu na may 2, Cauayan City 5, Santiago City 1, Cordon 2 at Jones na may 1.

Sa bilang na 387, apat ay pawang mga Returning Overseas Filipino (ROFS), 40 ang Locally Stranded Individuals (LSI), 32 ang mga Health Workers at 311 ay kinabibilangan ng local at community transmission.

Samantala, mayroon namang naitalang 24 katao ang nakarekober sa nasabing sakit.




Muli namang hinihimok ang publiko na ugaliin ang pagsusuot ng face mask at face shield at umiwas sa matataong lugar.

Facebook Comments