55 Katao sa Isabela, Nagpositibo sa Coronavirus

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng mataas na bilang ng bagong positibong kaso ng COVID-19 ang Lalawigan ng Isabela.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, limampu’t lima (55) ang naitalang new confirmed cases sa probinsya kung saan dalawampu (20) ang naiulat sa Lungsod ng Ilagan; labing tatlo (13) sa Lungsod ng Santiago; sampu (10) sa Lungsod ng Cauayan; tatlo (3) sa bayan ng Tumauini; tig- dalawa (2) sa bayan ng San Mariano at Gamu; at tig-isa (1) sa bayan ng Delfin Albano, Benito Soliven, Quezon, Quirino at Aurora.

Pero, nakapagtala naman ng labing lima (15) na recovered cases ang probinsya sa kabila ng mga bagong kaso.


Sa kasalukuyan, tumaas sa 317 ang total active cases ng COVID-19 sa probinsya na kinabibilangan ng isang (1) Returning Overseas Filipino (ROFs); tatlong (3) Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs); labing anim (16) na Healthworker; dalawampu’t walong (28) pulis; at 269 na Local Transmission.

Facebook Comments