5$500 Million na loan para sa disaster management, hinahanap ng kamara

Pinasusumite ng Kamara sa Department of Finance (DOF) at sa National Economic and Development Authority (NEDA) ang pinag-gamitan sa “Disaster Risk Management Development Policy Loan”.

Ayon kay House Deputy Majority Leader Bernadette Herrera, naaprubahan noong 2015 ang $500 Million na World Bank loan ng bansa na inilaan para sa pag-papautang sa mga nasalanta ng kalamidad.

Hiniling ni Herrera sa DOF at NEDA na ibigay sa Kongreso ang pinag-kagastusan sa loan at kung ito ba ay napunta sa talagang mga nangangailangan.


Inaalam din ng Kongresista kung may natitira pa sa policy loan na maaaring gamitin para sa mga biktima ng mag-kakasunod na lindol sa Mindanao.

Mahalaga aniyang ma-i-account ang nasabing malaking pautang para ma-i-turn over sa i-tatatag na Department of Disaster Resilience (DDR) na siyang nararapat na ahensya na dapat mamahala at mag-patupad sa policy loan.

Facebook Comments