Umabot na sa 7,848 ang kabuuang kaso ng Delta COVID-19 variant sa bansa matapos madagdagan ng 571 cases.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa 629 samples na nasuri ng Philippine Genome Center (PGC), isa ang positibo sa Beta variant habang ang iba ay nagpositibo sa Alpha variant.
Dahil dito, sumampa na sa 3,630 ang Beta variant cases sa bansa habang nasa 3,168 ang kaso ng Alpha variant.
Batay sa DOH, sa kabuuang 19,305 na samples na nasuri, 40.53 percent ang nagpositibo sa Delta variant, sinundan ng Beta na nasa 18.75 percent, Alpha na nasa 16.36 percent at Gamma na nasa .02 percent.
Tiniyak naman ni Vergeire na wala pa silang na-detect na Omicron variant mula sa mga sample.
Facebook Comments