5th DPAO CHIEF: ‘Hindi Miyembro ng Tribu sa Ifugao ang Pumatay sa Ex-Kapitan’

*Cauayan City, Isabela*- Nilinaw ng pamunuan ng 5th Infantry Star Division Philippine Army na hindi mismong mga miyembro ng Tribu sa Ifugao ang pumatay sa dating kapitan ng barangay sa bayan ng Tinoc Ifugao.

Ayon kay Army Major Noriel Tayaban ng Division Public Affairs Office, binigyang -diin nito na hindi magagawang pumatay ng mga ito dahil mga dayo lamang sa lugar ang nasa likod ng walang awang pagpatay sa dating kapitan.

Bagama’t malinaw sa nakuhang kasulatan sa pinangyarihan ng insidente na grupong nagpakilalang miyembro ng ‘Nona Del Rosario Command’-Ifugao ang gumawa ng marahas na pagpatay sa kapitan.


Sinabi pa ni Army Major Tayaban na marapat lamang ang ginawang Indignation Rally ng mga residente sa Lalawigan ng Ifugao dahil sa pagkondena sa mga rebeldeng grupo na gumagawa ng karahasan na humahantong sa pagpatay sa walang kalaban-labang indibidwal.

Paliwanag pa nito na gumagawa lang ng propaganda ang mga makakaliwang grupo para madiin ang kasundaluhan at palabasin na nagmumula sa pamahalaan ang paghahasik ng karahasan.

Hinikayat pa nito ang mga rebeldeng grupo na kung talagang may malasakit sila sa mga mamamayan dahil sa nararanasang kahirapan ay ito na aniya ang takdang panahon para lumabas sa kanilang pinagtataguan at ipaglaban ang Karapatan ng karamihan.

Pinasinungalingan naman ni Tayaban na ang pinatay na kapitan ay wala sa likod ng pagbibigay ng impormasyon sa mga maling ginagawa ng makakaliwang grupo.

Facebook Comments