Yumanig ang magnitude 6.1 na lindol sa bahagi ng Isla ng Dalupiri na sakop ng Calayan, Cagayan kaninang 2:40 ng madaling araw.
Batay sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), may lalim itong 66 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naitala ang mga Intensity V sa bahagi ng Claveria, Cagayan habang naramdaman ang Intensity IV sa bahagi ng Laoag City at Pasuquin sa Ilocos Norte at Gonzaga at Penablanca sa bahagi naman ng Cagayan.
Intensity III naman ang naitala sa bahagi ng Vigan City at Sinait sa Ilocos Sur.
Walang inaasahang pinsala ang Phivolcs ngunit posibleng magkaroon pa ng mga aftershocks matapos ang naturang lindol.
Facebook Comments