Anim na persona ang nahulog sa kamay ng batas kaugnay ng patuloy na kampanya ng otoridad laban sa ipinagbabawal na droga.
Nagsagawa ng buy-bust-operation ng nakaraang Sabado bandang alas 3:40 ng hapon ang pinag-isang pwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit, City Drug Enforcement Unit ng Naga City MIB 9th ID at PDEA CamSur. Target ng operasyon ang St. Vincent Compound ng Barangay Calaoag, Naga City.
Nadakip sina Rose Marie De Vela y Austria, edad 25, taga Sagrada Familia ng Barangay Peñafrancia, Naga City – drug surenderee, Michael De Vela y Austria, 37, isa ring drug surenderee, Raymond De Vela y Austria, 29, drug surenderee, Jerome Mejica y Valencia, edad 15, taga St. Vincent Compound, Jomalyn Tocyapao y Comprado, edad 26, taga Sagrada Familia, Brgy. Penafrancia
Nakuhaan din sila ng plastic sachets na may lamang pinaghihinalaang shabu at iba pang paraphenalia.
Tinatayang umaabot sa 300,000 pesos ang halaga ng illegal na droga na nasakote mula sa mga suspects, sa harap ng iba pang lumutang na impormasyon na ito ay nasa 18,000 pesos lamang.