PCG: Mga pasaherong stranded, nasa higit 300 na lang 

Patuloy na nababawasan ang mga pasaherong stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa.

Sa pinakahuling ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), 307 na mga pasahero, truck driver at cargo helpers na lamang ang nananatiling stranded.

Habang nasa pitong barko, limang motorbanca at 30 na rolling cargoes na lamang ang hindi pa makapaglayag.


May pitong barko at tatlong motorbanca naman ang nagpapalipas pa rin sa mga pantalan sa National Capital Region, Central Luzon, Southern Tagalog, Bicol Region at Western Visayas.

Facebook Comments