Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Boracay Inter-Agency Task Force na ipasara ang buong Boracay sa loob ng anim na buwan na magsisimula sa Abril 26.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque – hawak na ng Pangulo ang rekomendasyon at hihintayin na lamang ang magiging desisyon.
Iginiit ni Roque – na layunin ng rehabilitasyon na maibalik ang dating linis at ganda ng isla.
Aminado naman si Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo – malaki ang mawawalang kita ng gobyerno dahil sa total closure.
Pero kung makikipagtulungan ang lahat ng stakeholders ay posibleng hindi na abutin ng anim na buwan ang gagawing rehabilitasyon.
Facebook Comments