Makaraan ang isinagawang random drug testing ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pamamagitan ng kanilang Office of the Flight Surgeon and Aviation Medicine sa 2,548 CAAP personnel and 104 aircrews.
Nagpositibo sa drug test ang 6 nitong job order employees.
Ayon sa CAAP ang 6 ay nagsisilbi bilang airport facility cleaners.
Matapos magpositibo, agad na sinibak ang mga ito sa kanilang trabaho upang hindi maisa alang-alang ang operational safety ng paliparan.
Nabatid na isinagawa ang serye ng drug test magmula February 6 – April 30, 2019
Kabilang sa mga isinalang sa drug test ay mga tauhan ng CAAP mula sa mga paliparan sa Tuguegarao, Kalibo, Mactan Cebu, Laoag, Bacolod, Dumaguete, Puerto Princesa, Zamboanga, General Santos, Iloilo, Davao, Legazpi, Laguindingan, Clark, Naga, Busuanga, Roxas at Panglao.
Layon nitong matiyak na drug-free ang lahat ng kanilang mga tauhan sa paliparan.