Nakitaan ng OCTA Research Group ng mataas na COVID-19 positivity rate ang anim na lugar sa bansa, na mas mataas kaysa sa 5 porsyentong benchmark ng World Health Organization (WHO).
Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, lumagpas sa WHO positivity rate reference point nitong Hunyo 22 ang Metro Manila, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, at Iloilo.
Ang Metro Manila ay nakapagtala ng 5.6 percent positivity rate; Batangas na may 8.3 percent; Cavite na may 5.7 percent; Laguna 7.1 percent; Rizal 8.2 percent; at Iloilo 5.6 percent.
Mas mataas ito sa naitalang 3.9 percent positivity rate noong Hunyo 18.
Ang positivity rate ay ang porsyento ng mga nasusuring nagpopositibo sa COVID-19.
Facebook Comments