Liza Soberano, binasag na ang kaniyang katahimikan hinggil sa mga espekulasyon sa relasyon nila ni Enrique Gil

276

Binasag na ng aktres na si Liza Soberano hinggil sa mga espekulasyon sa kanilang relasyon ng aktor na si Enrique Gil.

Ito ay kasunod ng balitang hiwalay na ang dalawa matapos ang limang taong relasyon.

Kumalat din kasi sa social media ang litrato ni Liza kasama ang aktor na si James Reid sa ilang events sa Los Angeles, California noong Mayo.


Nabatid na noong Mayo rin ang araw na nagpunta si Enrique sa Spain kasama ang kaniyang pamilya.

Say ni Liza, “super good” ang relasyon nila ni Enrique at naiintindihan nito na unahin ang kaniyang desisyon na mag-audition, makapasok at magkaroon ng proyekto sa holywood.

Paglilinaw pa ng aktres, suportado ni Enrique ang kaniyang mga desisyon sa buhay at alam naman nito ang mga hakbang na kaniyang ginagawa.



Giit ni Liza, hindi sila yung couple na magpapaapekto sa mga sasabihin ng ibang tao at hindi nila kailangang maglabas ng mga larawan para lang patunayang okay ang kanilang relasyon.

Facebook Comments