Ang anim (6) na mga nasawi ay pawang naitala sa limang (5) bayan sa lalawigan ng Cagayan.
Sa ibinahaging impormasyon ng OCD Region 2, unang naitala ang isang (1) insidente ng pagkalunod noong April 12, 2022 sa Brgy. Alannay, Lasam, Cagayan habang noong April 15, 2022 ay tig- isa (1) rin sa bayan ng Allacapan at Peñablanca at dalawa (2) sa Brgy Basi East, Solana.
Nitong Sabado De Gloria, Abril 16, 2022 ay nakapagtala rin ng isang nalunod sa Brgy. Rapuli Sitio Limbus, Santa Ana, Cagayan.
Nabatid na ang huling naitalang nalunod sa lalawigan ay naganap matapos sagipin ng 33 taong gulang na biktima ang kanyang nalulunod na anak at pamangkin ngunit sa kasawiang palad ay siya na ang tuluyang nalunod.
Agad na natagpuan ang bangkay ng ilan sa mga nalunod kung saan dinala pa ang ang mga ito sa ospital subalit idineklarang dead on arrival (DOA) ng umasikasong doktor.
Maliban lamang sa bangkay ng dalawang nalunod sa Solana na isang 16 taong gulang na babae at 19 taong gulang na lalaki na natagpuan lamang kahapon, April 16, 2022.
Batay pa sa datos ng OCD RO2, ang anim na biktima ay aksidenteng nalunod habang naliligo sa ilog.
Samantala, kasalukuyan pa rin nasa red alert status ang OCD RO2 at babalik muli sa Blue Alert status bukas, April 18 hanggang 20, 2022.