6 Patay sa ARMY – NPA Encounter sa CamSur

Anim ang patay sa engkwentro ng mga rebeldeng grupo at sundalo kaninang umaga
Tumagal ng halos 20 minuto ang palitan ng putok ng mga rebeldeng grupo at sundalo ng 83rd Infantry Batallion ng Philippine Army sa Brgy. Lupi sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur bandang alas 6 ng umaga kanina
Anim ang kumpirmadong patay sa panig ng mga rebeldeng grupo; habang wala namang nasugatan sa panig ng mga tropa ng gobyerno.
Nakuha ng mga sundalo sa encounter site ang apat na M16, isang grenade launcher at mga subersibong dokumento.
Ayon kay Capt. Joash Pramis ng DPAO, nagsasagawa ng Combat at Intel Operation ang mga sundalo ng magkasalubong ang mga ito sa naturang lugar.
Kaagad namang nagsagawa ng clearang operation ang Philippine Army sa pinangyarihan ng engkwentro.
Balita mula RMN DWNX NAGA, ako ang inyong RadyoMaN Paul Santos TATAK RMN!

Facebook Comments