Cauayan City, Isabela- Ipinasakamay na nang Department of Agriculture (DA) Region 2 ang nasa anim (6) na Small Water Impounding Projects (SWIP) sa Lokal na Pamahalaan ng Mallig, Isabela.
Ayon sa pahayag ni Mayor Jose Calderon, makikinabang sa patubig ang nasa 256 ektarya ng palay at iba pang mga pananim habang 177 na magsasaka ang mabebenepisyuhan ng nasabing proyekto.
Sa naging mensahe naman ni Regional Executive Director Narciso A. Edillo, hinamon nito ang LGU at mga opisyal ng barangay maging ang residente na pangalagaan ang proyekto na ipinagkaloob ng pamahalaan.
Hinikayat naman ni Edillo ang mga magsasaka na pag-isahin ang kanilang pwersa para higit na mapakinabangan ang iba pang mga proyekto ng ahensya sa mga susunod pang taon.
Samantala, nagpasalamat naman si Ginoong Francisco Ventura, Presidente ng Trinidad II Small Water Irrigation System Association (SWISA) para sa konstruksiyon ng irrigation system sa kanilang barangay.
Umabot naman sa halagang P72.6 milyon ang gastos sa pagpapatayo ng nasabing proyekto.