Cauayan City, Isabela- Bibigyan ng palugit ang publiko para sa mga hindi nakapag-renew ng kani-kanilang lisensya simula March 16 hanggang May 12 sa kabila ng umiral na Enhanced Community Quarantine sa mga nagdaang linggo.
Ayon kay Ginoong Manny Baricaua, Administrative Head ng LTO-Region 2, maglalaan ang pamunuan ng LTO ng 60 calendar days simula ngayon para sa extension ng kanilang napasong validity period o rehistro ng lisensya.
Giit pa nito na nakatakdang gawan ng schedule ang mga kliyente ng LTO sa pagrenew ng kanilang lisensya na walang ipapataw na penalty.
Ito ay paraan aniya para maiwasan ang dagsa ng mga tao sa mga tanggapan ng LTO para sa pagrenew ng lisensya.
Samantala, mananatiling bukas ang mga emission testing center para sa mga motorista bilang isa sa mga requirements sa pagkuha ng Certificate of Emission Compliance (CEC).