60 empleyado ng MMDA, nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na 60 sa empleyado nito ang nagpositibo sa COVID-19.

Ito ay matapos isailalim sa swab test ang 100 kawani ng MMDA na may sintomas ng naturang virus.

Ayon kay MMDA General Manager Romando Artes, karamihan sa mga kaso ay mild at asymptomatic lamang at halos lahat ng empleyado ng ahensya ay bakunado na laban sa COVID-19.


Nabatid din na ang mga nagpositibong kawani ng ahensya ay mula sa iba’t-ibang departamento kabilang na rin ang ilang mga traffic enforcer.

Dahil dito, nagpatupad ng 50% workforce capacity ang MMDA sa kanilang mga tanggapan upang hindi maapektuhan ang kanilang serbisyo.

Sa ngayon ay naka-isolate na ang mga nagpositibong empleyado at patuloy ang isinisagawang contact tracing sa mga nakasalamuha nila.

Samantala, nagpositibo rin sa COVID-19 ang 99 na empleyado ng MRT-3 sa isinagawang antigen testing ng Department of Transportation (DOTr).

Ang mga nagpositibo ay isasailalim naman sa RT-PCR test upang makumpirma ang resulta.

Facebook Comments