Pangulong Duterte, hindi hihingi ng tawad sa mga nasawi sa kaniyang drug war campaign

269

Hindi hihingi ng tawad si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga napatay sa madugong anti-drug war campaign ng kaniyang administrasyon.

Ayon sa pangulo, kahit patayin pa o ipakulong siya ay hindi siya hihingi ng tawad.

Aniya, noon pa man ay nangako na siya sa taong bayan na ipatutupad ang law and order sa bansa at tututukan ang paglaban sa ilegal na droga.


Muli ring tiniyak ng pangulo na nakahanda siyang tulungan ang mga sundalo at pulis sakaling makasuhan habang tinutupad ang tungkulin laban sa ilegal na droga.

Facebook Comments