60 na taong lansangan, pinagdadampot sa Maynila

Manila, Philippines – Mahigit 60 na mga taong palaboy at mga batang lansangan ang sinagip ng pinagsanib na puwersa ng Manila Department Social Welfare at Philippine National Police.

 

Ayon kay Lindsay Javier, Social Welfare officer sa Manila City Hall, isinagawa ang tinatawag na 'reach out operation' sa mga lugar ng Binondo at Sta. Cruz sa nasabing lungsod.

 

Karamihan sa mga ni-rescue ay may mga matatanda at bata na pulubi at pagala-gala sa mga lansangan sa lungsod.

 

Sinabi ni Javier na pinakain at binihisan ang mga dinampot na indibidwal kung saan sumailalim din sila sa psychological briefing.

 

Sinasabing tuturuan din ang mga nahuling palaboy kung papaano maging kapakipakinabang sa lipunan para hindi na muling magpagala-gala pa sa lansangan.



Facebook Comments